Tuesday, October 19, 2004

hay buti nalang sem break na. at least wala na akong papers at exams. ngayon panahon na para makapagpahinga at magbakasyon. ngyon alam ko na 8 oras ang magiging tulog ko. uuwi na akong laguna so makakapanood na ako ng tv sa wakas pagkatapos ng mahaba-habang panahon. kahapon nagshoot dito sa bahay para sa BEDSPACER film nila chu at daryl. productio designer ako at hindi ko lubos akalain na may igaganda pa pala tong bahay ko. grabe ang kalat, ang gulo buong araw ako hindi nakapaglinis. sa execom ng UGAT, pasensya na hindi me nakapunta sa execom meeting, di kinaya ng katawan ko ang pagod at hindi ako nagising. 3 ng madaling araw na rin kase natapos, tapos naglinis pako ng bahay dahil darating nanay ko. pasensya na talaga di ako nakapunta sa meeting, di ko nabigay resignation letter ko.
anyway, pasensya ulit dahil di ako makakapunta mamaya sa semplanning. pinauuwi na kase ako ng laguna ng nanay ko e. di na niya ako binibigyan ng allowance sembreak na raw kase. kaya sa mga humihingi ako ng paumanhin. at dun sa pagreresign ko pasensya na rin, medyo kase nikikita kong di na ako effective e at pakiwari ko panahon na para magconcentrate sa pag-aaral. tsaka may problema e personal, isipin ko muna kung paano ko aayusin at gagawan ng solusyon, kaya pasensya na rin kung di na me masyadong makakatambay sa UGAT. alam ko naman na natapos ko lahat ng commitment ko sa org for the sem. pero dont worry tutulong pa naman ako.
hay grabe, kakalungkot naman, alam nyo yung wala ka ng maisip na adjective para idescribe yung buhay mo kundi "hay". yung mapapabuntong hininga ka nalang. sa dami ng kailangan gawin, isipin at solusyonan. buti nalang alam kong may panahon ako ngayong sembreak para ayusin at pagmunihan yun. sana maayos ko ngayon.
anyway ito muna ang last blog ko for the rest of the semestral vacation, uwi na kase akong laguna e, walang net sa bahay. punta rin kase ako sa baguio at quezon sa break kaya ito nalang muna.


when i grow up...i wanna be dead!


2:54 AM

Sunday, October 03, 2004

KAHIT ANO PARA SA'YO
10 minutong dula ni Cathy Celesia
salin ni William T. Montesines

Unang itinanghal ng Circle Repertory Lab sa New York City noong Hunyo ng 1993. Idinerehe ni Scott Segall ang mga sumusunod:
Lynette: Johanna Day
Gail: Jo Twiss

MGA TAUHAN:
Lynette: nasa tatlumpuin ang edad, palaayos
Gail: kaparehong edad, mas konserbatibo ng kaunti
PANAHON: ang kasalukuyan
LUGAR: isang Café sa siyudad

Sa Simula: Nakaupo nang mag-isa si Lynette sa isang mesang pandlawahan habang nakatitig sa kanyang inumin: Lalapit si GAIL sa mesa, medyo humahangos. Hahalikan ang nakatulalang si Lynette sa pisngi, uupo.
1
Gail: Pasensya na late ako. Aalis na sana ako nang ibinalandra nung rap artist namin ang kanyang sarili sa labas ng opisina at sinabing hindi siya aalis hangga’t walang pumapansin sa kanyang "artistic crisis". Bata ito ha, disinuebe, may bahay sa Hamptons at babad sa hot tub araw-araw, linggo-linggo; at meron siyang artistic crisis. Nangangailangan nga ng pansin.
2
(hahawakan ang menu). Naka-order ka na ba ? (tinitingnan ang menu). Kaya kinailangan kong maupo dun nang halos dalawampung minuto nagkukunwaring sincere habang sinasabi sa kanya "Hindi naman ‘yun ganun kasama, Roger. Hindi kinukompromiso ng pera ang art mo. Mas ginagawa lang naman nitong abot-kaya." Ang gusto ko lang talagang sabihin, ito ang legal department. Nagtatrabaho tayo dito. Kung nabubwisit ka pumunta, ka ng artistic department, ‘dun ka mambulabog. Anyway, mukhang masarap ang squab. Ano sa palagay mo?
3
(Ipinagpatuloy ni Gail ang pagtingin sa menu. Lumapit si Lynette sa mesa.)
Lynette: Kailangan ko ng ka-relasyon.
Gail: Hmm? May sinabi ka?
Lynette: Sabi ko, Gail kailangan ko ng ka-relasyon.
Gail: (titingin) Hindi ‘yun ang ibig mong sabihin.
Lynette: Oo
Gail: Ka-relasyon?
Lynette: Oo
Gail: Ikaw?
Lynette: Oo nga.
Gail: Pero kayo ni Richard-
Lynette: Alam ko.
Gail: Pero hindi ko maintindihan.
Lynette: Ako man.
4
Gail: Ganito, nakaupo ka dito para lang sabihin sa akin ng walang matinong rason na gusto mong-
Lynette: Hindi sa gusto. Kailangan.
Gail: Bakit?
Lynette: Hindi ko alam. Matinding pangangailangan ng katawan. Basta hindi ko alam.
Gail: Sa tingin ko hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan 'to.
Lynette: Ito ang tamang lugar. Ikaw ang tinutukoy ko, Gail. Kapag hindi ako sisiping sa iba bukod sa asawa ko sa lalong madaling panahon, hindi ko na responsibilidad ang sarili ko.
Gail: Lynette.
Lynette: Time Bomb. Tick tick tick.
Gail: Hindi ba parang nagiging ma-drama ka na?
Lynette: Hindi. Tick.
Gail: May nakilala ka bang iba ?
Lynette: Wala pa. Pero kung iisipin mo, lahat sila pwede.
Gail: Nagbibiro ka no? O sige, tapos na ang lokohan, sobrang nakakatawa, haha, nagbibiro ka lang.
Lynette: Gail, hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako makapag-trabaho. Hindi ako makatulog. Ang alam ko lang nag-iinit ako, yun lang ang alam ko.
5
Gail: Palagay ko kailangan mong magpigil kahit konti.
Lynette: Kahapon tumingin ako sa orasan nakalimutan ko na kung paano magsabi ng oras.
Gail: Ano ang iniinom mo?
Lynette: Nasisiraan na ako ng utak.
Gail: Pansin ko nga. Si Richard-
Lynette: Ay malambing, mabait at isang mabuting tao, alam ko. Nakikibagay siya kahit gaano ako kahibang. "honey tama ka, mas magiging maingat na ako, hindi ko na itutuktok ang paa ko sa sahig para 'di ka na mainis. Pwede kong sabihin sa kanya na iwanan na ang lahat para sa isang tubuhan sa Borneo at sa loob ng isang oras nag-aaral na siya ng pagsasaka at nagkacanvass ng pamasahe sa eroplano."
6
Gail: Sa tingin ko wala kang dapat ireklamo.
Lynette: Hindi ako nagrereklamo. Pero diyos ko naman, kung ‘di ako makakahanap ng makakapagpainit sa akin ng sagad sa buto. Sasabog ako.
Gail: Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nilalagay mo ako sa alanganin e. Mahal ko si Richard.
Lynette: Ako din naman a.
Gail: Matalik na magkaibigan sila ni George.
Lynette: Parang magkapatid.
7
Gail: At ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan.
Lynette: (nag-aantay) O?
Gail: Anong O?
Lynette: Ako ng best friend mo?
Gail: Oo
Lynette: Gagawin mo ang lahat para sa akin.
Gail: Oo alam mo naman 'yun. Anong gusto mong palabasin?
Lynette: Sipingan mo ko.
8
Gail: Ano?!
9
Lynette: Sipingan mo ako, Gail. Romansahin mo ko hanggang sabihin kong tumigil ka.
Gail: Hindi ka seryoso sa sinasabi mo.
10
Lynette: Hindi ko matatanggap sa sarili ko kapag ginawa ko sa ibang lalaki, lalo na kapag nalaman ni Richard. Pero kung ikaw-
Gail: Mabibigla (pagulat na sasabihin)
Lynette: Babae ka, Gail. Hindi 'yun magiging pagtataksil. Pag-eeksperimento lang.
Gail: Wala ka na sa sarili mo.
Lynette: Gagawin mo ba?
Gail: Syempre Hindi.
Lynette: Bakit hindi?
Gail: No offense! Pero 'di kita type.
11
Lynette: Sinungaling.
Gail: Anong itinawag mo sa akin?
Lynette: Nagsisinungaling ka. Gusto mo na ako noong una pa lang tayong nagkita.
Gail: O ngayon naniniwala na talaga ako sa'yo Lynette. Wala ka nga sa sarili mo.
12
Lynette: Tinititigan mo ko. Tinitingnan mo ang labi ko habang nagsasalita ako. Kapag nagbebeso tayo nagtatagal ka sa pag-amoy ng buhok ko sabay hinga ng malalim.
Gail: Hindi ko na matagalan ang pag-uusap na 'to. Pwede bang umorder na tayo?(hinto) Sa tingin ko kailangan mo nang magpatingin sa doktor.
Lynette: Galit ka.
Gail: Hindi, nasusuka lang ako. Sa tagal ng panahon na inakala kong mabuti tayong mag-kaibigan, bigla kang makakaisip ng kahibangan na ako-na tayo-kasal ako Lynette.
Lynette: Alam ko.
Gail: Tsaka mahal ko si George. Hindi na rin kailangang sabihin pa na lalaki ang gusto ko.
13
Lynette: Nalilito na ako.
Gail: Sana matulungan kita. Sana talaga.
Lynette: Mahal mo ako.
Gail: Oo naman, pero 'di ibig sabihin nun pinagnanasaan kita.
Lynette: E pano 'yung nangyari nung Bagong Taon.
14
Gail: (pagkatapos huminto) Anong tungkol dun?
Lynette: Bagong taon nung 1991. Magkasama tayong apat. Naparami ang inom ko ng Peach Margarita.
Gail: A naalala ko na.
Lynette: Nalasing ako. Kinailangan pa akong buhatin ni Richard papuntang banyo, at nandun ka para tumulong.
Gail: Lasing na lasing ka. Galit na galit naman si Richard.
Lynette: Akala ko 'di na ako titigil sa pagsusuka. Nang matapos 'yun nahiga na lang ako sa sahig ng banyo, pumikit. Tapos hinalikan mo ako sa labi.
15
Gail: Hindi a.
Lynette: Ginawa mo. Tagal nga e.
Gail: Napanaginipan mo lang 'yun, Lynette. Tingin ko maaalala ko naman-
Lynette: Ako nakakaalala "naisip ko pa nga ang lambot naman ng labi nito."
Gail: Hindi kita hinalikan, Lynette. Siguro binigyan lang kita ng halik sa pisngi dahil naaawa ako sa'yo, pero bukod dun, nagkakamali ka.
Lynette: Naramdaman ko ang dila mo.
16
Gail: Lynette! (Tumingin sa paligid, hininaan ang boses.) Hindi na 'to tama.
Lynette: Bakit ka ba masyadong tutol dun? Nasa iyo ako, meron akong ka-fling-lahat tayo panalo.
Gail: Puwera lang kina Richard at George.
Lynette: Hindi naman natin sasabihin e. Sikreto lang natin 'to.
Gail: Hindi ganun kadali 'yun.
Lynette: Bakit naman?
Gail: Lynette, gusto mo ipakilala na lang kita sa iba. Marami namang lesbiana sa music business e.
Lynette: Ikaw ang gusto ko.
Gail: Akala mo lang 'yun.
Lynette: Hindi, kaibigan kita, mapagkakatiwalaan, malabong 'di ako mahulog sa'yo. Gusto ko sanang sabihin na nagsasabi ka ng totoo pero 'di mo man lang maamin na hinalikan mo ako gayong alam nating dalawa na-
Gail: Oo na, sige na, hinalikan na kita. Hinalikan kita! Naparami rin ang inom ko ng gabing 'yun-(titingin sa tabi). May problema ba?
Lynette: Hindi ka lasing. Nag-antibiotics ka n’yon?
Gail: (walang magawa) Ang ganda mo nu’n. Nakahiga ka nang nakalatag ang buhok. Napaka-inosente… napakaganda sa totoo lang.
5
Lynette: Sipingan mo ako, Gail.
Gail: Hindi ko kaya.
Lynette: Bakit hindi?
Gail: Dahil mahal kita.
Lynette: Ano? (magigitla)
Gail: Mahal kita, Lynette. Sa tingin mo basta na lang ako hahalik sa kahit na sinong babaeng lasing at mabaho ang bibig. Dahil lang gusto ko.
Lynette: Pero akala ko-
Gail: Na lumulukso ang damdamin ko sa tuwing nakikita ka? Na hindi ako nakakaramdam ng selos kapag nakikita ko kayong masaya ni Richard tulad ng ibang mag-asawa. Na hindi totoo ang nararamdaman ko?
C-ann
Lynette: Hindi. Ibig kong sabihin..
Gail: Ano, Lynette? Ano sa tingin mo?
Lynette: Hindi ko alam. Crush. Parang bata.
Gail: Hindi naman sa ganun.
Lynette: Hindi nga. (hihinto) So ano nang mangyayari sa 'tin ngayon
ail: Hindi ko alam.
Lynette: (pagkatapos ng ilang sandali) Siguro marami nga talaga akong uminom.
Gail: Siguro nga.
19
Lynette: May problema ako.
Gail: M-mm (oo na nakasara ang bibig)
Lynette: At meron ka ring problema.
Gail: M-mm.
Lynette: Ano sa palagay mo ang dapat nating gawin?
Gail: Tingin ko dapat umorder na tayo.
(Titingnan muli ang kanilang menu.)
20



Ang Katapusan



10:02 AM

Thursday na n'yon, binabagyo na ako ng papers, exams at projects. tapos ko na itranslate ang dula ko para kay sir fabros. ngunit wala akong mahanap na artista para gumanap sa mga papel ng tauhan. kaya picture slide show na lang ang naisip ko. ito kase ang mabilis gawin at hindi magastos. ngunit wala pa rin akong makitang taong papayag na iistorbohin. buti na lang napadaan si C-ann sa tambayan at pumayag na magpakuha ng picture para sa dula ko. Saturday na kase ang deadline nyon e. 2 araw na lang ang natitira sa kin. kaya C-ann maraming salamat.
si C-an


9:50 AM
+ My Past +

+ September 2004
+ October 2004
+ November 2004
+ December 2004
+ January 2005
+ March 2005
+ April 2005
+ May 2005
+ June 2005
+ July 2005
+ August 2005
+ September 2005
+ October 2005
+ December 2005
+ January 2006
+ February 2006
+ March 2006
+ April 2006
+ May 2006
+ June 2006
+ July 2006
+ August 2006
+ September 2006
+ October 2006
+ November 2006
+ December 2006
+ January 2007
+ February 2007
+ March 2007
+ August 2007
+ September 2007
+ October 2007
+ November 2007
+ December 2007
+ January 2008
+ February 2008
+ March 2008
+ May 2008
+ June 2008
+ August 2008
+ October 2008
+ November 2008
+ December 2008
+ January 2009
+ February 2009
+ March 2009

milkylicious

....
liam2

tagboard

Links

blogger
blogskins
Om
C-an
Paolo Manalo
KASAMAsaUP
UGAT
Alina
David
Danix
Jel
Jel 2
Bridge
Pima
LA
Piya
Vlad
Cyruse
Mj-1
Mj-2
Adam
Mykel
Chu-chu
Daryl
Myls
Rose
Kristine
Anntot
Kat
Katmac
Schedar
Irene
Marla
Pauline
Dave-1
Dave-2
Rafi
AD
Lovelle
ivy
eRYzzah
Michelle
Tanya
VJ
NKE
Josa
Prech

Designed by: Milky

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com