Wednesday, September 29, 2004

Hay naku finals week na. Simula na naman ng puyatan, nag-umpisa na ang kalbaryo sa harap ng kumputer. Isang kaha ng sigarilyo at tatlong baso ng kape lang ang karamay sa gabing tila ba kay tagal. Ayoko na hirap na hirap nako. Kung pwede lang sana ay ipikit ko ang aking mga mata at sa paggising ko'y maayos lang ang lahat. Kaso hindi pwede, nananatili akong dilat sa lalim ng buwan, nakasubsob ang mukha sa kumputer, nagpapanggap na may alam.
Palagi kong naiisip kapag asa UP ako ayoko munang umuwi. Ayoko munang isipin ang mga problema ko na pilit na nag-aabang sa aking pag-uwi. hindi sila mapakali parang mga rugby boys na nag-aabang para sa pagkain. Lahat sila nag-iintay sa aking kwarto.
minsan sa dami ng problema ko, acads, pamilya, pag-ibig atbp. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin. Hindi ko mapaliwanag ng maayos ang nararamdaman ko. Ang bigat bigat. Yung parang mapapabuntong hininga ka nalang. Yung parang gusto mo na lang umiyak dahil pakiramdam ko di mo na kakayanin ang mga nangyayari ngayon. HAY!
Pero kahit papaano, may magagandang bagay pa rin na nangyayari sa akin. Mga pangyayaring nakakapagpagaan ng loob ko. Tulad nung nagkita kami nung huwebes at biyernes dahil birthday niya. kontento nako dun. Kahit hindi na kami masyadong nagkikita dahil pareho kaming maraming pinagkakaabalahan maligaya ako at nagkita kami sa kanyang kaarawan. Wala pa akong regalong naibibigay sa kanya.Nag-iisip pa ako ng maganda para sa mahal ko. Ano kaya kung tanggapin ko sa sarili kong hanggang magkaibigan na lang kami? Magugustuhan kaya niya ang regalo kong iyon?
marvin1


12:39 PM

Thursday, September 23, 2004

BLACK SKIES


Black skies that encumber my benighted horizon,
In misery keeping me constrained,
Had confined my life into this dungeon,
Causing all my hopes be drained.

Clouds of obscurity,
Dusky clouds that darken my sight,
Had blurred all of my visions,
Now my dreams bear no more light.

Evil, cruel evil,
You tempted me and made me sin!
You tricked and fooled and blinded me,
Now my whole being is unclean.

I am tortured by my conscience,
Tormented by all my iniquities.
In darkness I hear the vexations from hell,
I my loneliness, in agony I dwell.

O holy light from there above,
Divine glow of God’s benevolent love,
Touch my heart that I may change,
Unleash me now from hell-fire chains.

Replenish me and recreate,
Enlighten me and invigorate my faith,
That in His passion I may live,
And all my life, to Him I’ll give.

Angel bound with heavenly grace,
Bless me now and let my fire burn bright,
That from here and all my coming days,
These black skies shall no longer bedim my sight.



10:44 PM

Wednesday, September 22, 2004

Stop Over

Malayo na ang natatakbo ng ating kotse.
Pawis na ang aking kamay sa manibela,
Ngalay ang paa sa pagtapak sa silinyador.
Napagod na akong kumanan at kumaliwa.
Malayo pa ba ang ating tatahakin?

Malayo na ang natatakbo ng ating kotse.
Ilang taon na tayong dalawa'y magkasama.
Ano kaya kung huminto muna sandali?
Tapakan ang preno, kabigin ang handbreak
At pagpahingahin ang humagos na makina.

Malayo na ang natatakbo ng ating kotse.
Sa muling pagtakbo, buksan ang bintana
At papasukin ang panibagong hangin.
Tanggalin ang sarili mula sa seatbelt
Na umiipit sa ating dibdib at maging malaya.

Malayo na natatakbo ng ating kotse.
Ilang taon na tayong dalawa'y magkasama.
Panahon na para sa panibagong hangin
At umuwi na ng hindi magkasama



4:36 AM

Monday, September 20, 2004

Tuwing Lunes
Lunes nyon noong una kaming magkita. Oo Lunes yun, sigurado ako dahil natatandaan ko pang may exam kami nyon sa PP17 nong araw na iyon. E tuwing Lunes lang naman nagbibigay ng exam yung Prof. namin, pampaganda raw ng linggo. Sa hirap ng exam, parang nadigest lahat ng kinain ko sa kakaisip na kahit open notes naman ay di ko masagot-sagot. Kaya matapos n’yon ay pumunta na lang ako sa isawan upang may maganda namang mangyari sa nakakabuwisit kong araw, paborito ko kase ang isaw. Ang usok sa may isawan, para kaming mga manok na ilalaban sa sabong, tuloy hinika na naman ako. Ano ba ‘to ang malas ko talaga ngayon.
Hi, are you OK? isang boses ang narinig ko sa aking kanan.
Yes I am, dont bother, anyway thanks na lang. ang aking sagot habang ubo ng ubo
Eto o. By the way my name’s Jhay, what’s yours? ang sabi niya sa akin sabay abot ng kanyang panyo at ng aking isaw
I think this is not a good time, thank you na lang pare. Anyway I’m Miko, I’m very pleased to meet you. ang sagot ko na hindi man lang nakatingin sa kanyang mga mata dahil abala sa pag-ubo
Me too. O ano medyo nawawala na ba ang asthma mo? Anyway, college mo tol? ang tanong sa akin ni Jhay
Yup, medyo nawawala na nga. Thank you talaga ha. Dyan lang ako sa CAL. Uy Gotta go but I would like to have a chat with you sometime. habang kinakain ang isaw at iniinom ang suka Bakit ko ba nasabi yun e wala naman akong ibang pupuntahan?
Sure I’ll count on it. Would you care for a cup of coffee or something? ang sabi niya. Bakit kaya ganito tong lalaking to?
Sige, kung magkikita pa tayo. ang sabi ko habang unti-unti akong naglalakad palayo ng isawan.
Oo naman, bakit naman hindi? Ang liit-liit lang naman nitong campus e. Lagi nga kitang nakikitang dumadaan sa Betaway tuwing hapon. Sige Miko, nice meeting you.
Hindi na ako sumagot. Ano kaya ang binabalak niya sa mga oras na iyon? Dali-dali akong sumakay ng jeep pauwi sa apartment, iniisip pa rin ang mga nangyari nang mga sandaling iyon.
Tignan mo nga naman ang pagkakataon, akala ko puro kamalasan na lang ang mangyayari sa araw ko, may maganda pa rin pa lang nangyari sa akin kahit papaano.Akala ko hindi ko na muling makikita si Jhay, masyadong mabilis at totoo ngang maliit lang ang mundo, nakita ko siya kinabukasan.
Sa Philo class namin. Hindi lang dumaan sa corridor kundi nag seat-in pa sa klase. Kaibigan niya kasi yung isa kong kaklase. Hindi ko siya pinapansin, kunwari hindi ko siya kilala. Hindi ako sigurado kung siya nga talaga yun. Hindi ko na kasi matandaan ang mukha niya, hindi ko na rin kase inakala ng magkikita pa kami.
Ei Miko.
Yes?
Miko right?
Yup.
O musta na tol? nakilala ako ni Jhay at binati, sabay pagtabi sa bakanteng silya sa aking kanan.
Uy Hi, kaibigan ka pala ni Abet. Eto OK lang. You know you owe me a cup of coffee or something. ang sabi ko na lang pagkatapos ay ang isang nerbyos na tawa.
Oo nga pala no. Sure. Mamayang alas tres, tamang-tama at makapag miryenda tayo. Ano pwede ka? ang sagot niya sa akin. Pakshet! Ano ba talaga ang binabalak nito? Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak niya
Sige sabi mo e, sayang libre rin yun. Doon na lang tayo magkita sa Oz.
OK, settled na yun alas-tres ha. I’ll meet you there na lang.
Pumunta ako sa Oz, totoo ngang ililibre niya ako, akala ko biro lang yun. Pagkarating ko nandoon na siya nakaupo sa isa sa mga mesa, nakakahiya nga e, mas nauna pa siya kaysa sa akin.Matipuno at mukhang artista si Jhay. Parang siyang produkto ng Slimmers na sumali ng Samaskom. Maganda ang boses at magaling kumanta. Vocalist nga daw siya ng banda nila e. Bukod pa rito, isang ring maprinsipyong tao si Jhay, kung gusto niya gusto niya talaga, gagawin niya ang lahat masunod lang ang mga kagustuhan niya. Siguro sa pagkakalarawan ko sa kanya ay kung ano pang isipin ng iba d’yan. Hindi ako bakla, naiinggit lang ako. E sa totoo namang mabait yung tao, hindi naman ako tangang tatanggihan ang libre, saying rin yun. He’s just being nice to me. Akala ko miryenda lang ang mangyayari, sa sarap ng aming pagkwekwentuhan ay inabot kami ng paglubog ng araw at nagpasyang maghapunan na rin ng sabay. And Asusual libre na naman n’ya. Parehong-pareho kami ng mga gusto at pinagkakaabalahan sa aming break. Napakabait niya at bukod pa rito he’s also a very funny person. Natapos na ang gabi, ngunit hindi parin tapos ang aming pagkwekwentuhan. Napakarami niya kaseng funny experiences na ikinikwento sa akin e, ngunit kailangan ko ng umuwi. Tatapusin ko pa yung report ko para bukas ng alas-syete. Hinatid niya ako sa aking apartment. Niyaya ko siyang maupo muna at mag kape ngunit tumanggi siya, may kailangan rin siyang gawin. Kaya kinuha nalang niya ang aking phone number at
tuluyan ng nagpaalam ng gabing iyon.Kinaumagahan bago ako pumasok, tumawag sa akin si Jhay. Hiniling niyang sabay na raw kaming mag-lunch. Wala naman akong ibang gagawin kaya pumayag ako. Noong mga sumunod na araw, ganito ng ganito ang nangyari sa amin ni Jhay. Madalas kaming magkasama. Ewan ko ba kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya at mabilis ko siyang natanggap bilang kaibigan. Biruin mo nga naman apat na araw ko palang siya nakikilala simula nong magkita kame sa isawan ngunit parang taon na ang bibilangin ng aming pagkakaibigan. Siguro nakikita ko lang sa kanya ang kuya ko’ng namatay na. Maligaya ako dahil bumalik na siya.Lunes ngayon, isang linggo na kaming magkaibigan ni Jhay. Niyaya niya ako na sumama sa gig ng kanilang banda sa Libis. Bigyan ko raw siya ng moral support dahil first night daw nila sa isang bar dun. Sumama naman ako. Ang galing niyang kumanta. Pina-akyat pa nga niya ako sa stage upang maki-jam sa kanila noong second set nila. Natapos ang third set at hinatid niya ako sa aking apartment. Siya’y nagpasalamat at tuluyan ng nawala ang kanyang anino noong gabing iyon.Lumipas ang dalawang linggo at walang araw na hindi kami magkasama. Madalas kaming pumunta sa Oz o kaya naman sa isawan kung saan kaming unang nagkita. Kapag gabi naman ng Miyerkules, Biyernes at Sabado ay sumasama ako sa gig ng banda nila. Minsan naman kapag small time lang kami at hindi loaded pumupunta kaming dalawa sa apartment at tumutungga ng Gin Bilog hanggang sumuka sa kalasingan. Isang Lunes, nagpatulong akong gumawa ng mga visual aids sa kanya. Pumunta kami sa aking apartment pagkatapos namin maghapunan. Beer ang nasa tabi namin habang gumagawa ng Flash Presentation, pampagana. Lumipas ang oras at hindi namin napapansin na napaparami na palang aming naiinom. Makalipas ang ilang sandali, pareho kaming tinamaan. Lasing man ako, nakikita kong pinagpapawisan si Jhay at nakahandusay sa kama at kahit na nakatodo-tapat na sa kanya ang electric fan. Sinubukan kong tanggalin ang kanyang polo. Sa pagtanggal pa lamang ng unang botones ay bigla niya akong niyakap ng kanyang bisig at kanyang pinaghahalikan. Ako’y nabigla ngunit wala akong nagawa. Lasing ako at nagpadala na lang. Na gui-guilty ako sa aming ginawa, pakiramdam ko sinamantala ko ang kanyang kalasingan.Mahal ko si Jhay bilang kaibigan, ngunit bakit ganito? Sa pagkakataong ito mukhang hindi lang pagkakaibigan ang gusto kong mangyari, yung mas malalim pa siguro. Ewan ko ba kung bakit. Kung ako’y tatanungin kung nababakla ako sa kanya, “Oo! Totoo!” ang aking isasagot at kung ako’y bakla, “Siguro nga, malamang, ewan.” Hindi ko alam kung ano nga ako sa mga panahong ito. Mahilig naman ako sa babae pero bakit ganito? Ewan ko talaga, mahal ko na yata si gago e, ganun din naman siguro siya. Siya ang naunang lumapit at nagpakilala sa akin, siya ang naghahabol. Mahal ko na siya at mahal na rin nga yata ako.Ako’y nagising kinabukasan. Laking gulat ko ng sumambulat nalang ang kanyang hubad katawan na nakayakap sa katawan kong walang saplot. Dali-dali akong bumangon, nagbihis at iniwasang siya’y magising. May nangyari kaya sa amin? Malamang. Kahit ganito, iniisip ko paring walang nangyari sa aming dalawa, lasing lang kami. Nagising si Jhay na may hang-over. Para sa akin kahit lasing ang isang tao, alam pa rin ng taong iyon ang kanyang ginagawa. Kaya sa tingin ko umaarte lang si Jhay, tulad ko at nagtataka kung ano ang nangyari kagabi.“Good morning. Tol anong nangyari kagabi?” ang kanyang bati sa akin“Aaanong nangyari?” ang aking nauutal na tanong sa kanya“Ha? Ano pa bang nangyari? E di yung ginagawa nating presentation para sa klase mo mamaya. Sorry ha nakatulog ako, tinamaan yata ako e.”“A, ayun ba, akala ko kung ano na e. Di ko rin alam e. nalasing din ako at nakatulog. Halika na, magbihis ka na at mag breakfast na tayo.” ang aking sagot.Lunes simula ng linggo, ngayon din ang simula ng midterms sa Peyups. Sa linggong ito hindi muna kami nagkikita ni Jhay. Tinatawagan ko siya ngunit laging siyang wala sa bahay at answering machine lang. Nagbakasakali akong pumunta sa Oz at tsambahang nakita ko siyang may kasamang mga lalaki. Sino kaya ang mga kasama niya? Wala naman doon ang mga kabanda niya. Naku, baka bubugbugin ako! Lumapit ako upang siya’y kausapin, tatanungin ko sana kung anong inaatupag niya at palagi siyang wala sa bahay nila.“Uy Jhay pwede ka bang maistorbo?” ang aking tanong pagkalapit sa kanya“Sure Miko. Why, is there a problem?” ang kanyang nagtatakang tanong sa akin“Wala naman. I’m just wondering kung ano ang mga whereabouts mo and why you haven’t returned my calls lately?” ang aking sabi sa kanya na hindi makatingin sa kanyang mga mata. Nahihiya kasi ako, baka isipin naman niyang pakielamero ako, magalit pa sa akin“A ganon ba, sorry ha, nag-aaral kase ako para sa midterms sa bahay ng kaibigan ko, nagpapaturo para alam mo na mataas grade ko at di ma-DQ. May balak kasi akong magshift next sem so kailangan matataas grades ko.” ang sabi niya sa akin, nakangiti na parang may tinatago.“A, ganoon ba, o sige kita nalang tayo next Monday after ng midterms, OK?” ang sabi ko sa kanya habang nakabungisngis“Sure tingnan natin. Ay! Miko wala pala kaming gig sa Wednesday. Sige ha, see you around na lang.” ang sabi niya sa akin at siya’y bumalik na sa mesa kasama ng mga kalalakihang di ko kasama.Bakit kaya wala silang gig sa Miyerkules? Magaling naman sila a, tsaka hindi pa naman natatapos yung kontrata nila, bakit kaya?Dumating ang Lunes, tapos na ang mga Midterms Week, tapos na rin ang aking problema sa pag-aaral. Hindi pa man ako nakakarecover sa pressure ng sleepness nights, dumating na naman ang isang problema. Akala ko ba magkikita kami ni Jhay? E bakit hindi pa rin niya ako tinatawagan? Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ko at di rin nag-rereply sa mga text ko. Kinagabihan, tumunog ang doorbell ng aking apartment. Sino kaya iyon? Wala akong inaasahang bisita kundi si Jhay lang. Nabigla ako. “Hi, sino sila?” ang aking tanong sa misteryosong babae“Oh, hi there! You’re Miko right?” ang kanyang bati sa akin. Paano niya ako nakilala? “Excuse me but have we met? Do I know you?” paano niya ako nakilala? Hindi ko pa siya nakikita kahit minsan, kahit sa TV man lang hindi.“Oh, sorry I forgot to introduce myself, anyway I’m Camille. Jhay’s girlfriend. Jhay told me lots of things about you.” yuck girlfriend ka nya! e mas mukha ka pa ngang lalaki kaysa sakin “Oh! I see, hindi ko inakalang may girlfriend pala yung pare ko. Palagi kasi yun nandito sa aking apartment. Para na nga kaming magsyotang nag lilive-in no’n e. Joke lang. O, what can I do for you?” anong joke lang sa loob-loob ko totoo lahat ang mga pinagsasabi ko, e totoo namang para na kaming magsyota ni Jhay. Hindi ko talaga alam na may girlfriend siya.“Actually Ex ko si Jhay. Lagi kasi kaming hindi magkasundo, marami kaming pinag-aawayang mga bagay before. Kaya ayun nagbreak kami. Pero last week I got a text message from him. Sabi niya miss na miss n’ya na daw ako and he wants me back. So now, I’m back!” ang paliwanag niya sa akin, parang nababasa niya ang nasa isip ko. Hindi ko man nalaman iyon kay Jhay sa panahong araw-araw kami magkasama o marinig man lang ang pangalang Camille sa kanya. Ano pa ang tinatago ni Jhay, ano pa?“So ano naman ang sadya mo sa akin at pumunta ka dito sa apartment ko?” ang aking tanong sa kay Camille na pinipigilan nalang pumatak ang aking luha at sumabog sa sobrang galit dahil ako’y nag mukhang tanga“Actually hindi ikaw ang sadya ko, si Jhay. ”“E kung hindi pala ako ang sadya mo, e anong ginagawa mo dito?” sobrang naaasar na ako ha. Ang dami-daming paligoy-ligoy“Kinikwento niyang palagi daw siyang nandito. Kanina kasi pumunta ako sa house nila, e wala siya doon sabi ng mom niya, baka nasa nasa apartment mo kaya nandito ako. Nandyan ba siya?” ang kanyang tanong sa akin na para bang galit na galit at binabawi na ang isang laruang inaakalang ninakaw ko daw mula sa kanya“Wala siya dito e. Matagal tagal na rin siyang hindi napapadaan dito e. May iba ka pa bang kailangan? Sige ha marami pa akong kailangang gawin, mag-aaral pa kasi ako e.” ang sabi ko sa kanyaAgad kong tinapos ang aming pag-uusap ni Camille dahil hindi ko na makayanan ang sakit na dumapo sa akin. Walang lunas, nakakamatay. Di ko pa palang lubusang nakikilala si Jhay, nagkamali ako ng akala sa kanya. Akala ko kilalang kilala ko na siyang mabuti, akala ko wala siyang itinatago sa akin, akala ko mahal niya ako, hindi pala.Hindi ako nakatulog noong gabing iyon na pumunta sa Camille sa apartment. Hindi lungkot kundi galit ang naramdaman ko, ni hindi nga ako maka-iyak sa sobrang galit, sa halip sinuntok ko na lamang ang dingding. Magdamag akong dilat, nakatunganga, kinakausap ang aking sariling parang baliw habang naninigarilyo at nagpapakalasing ng mag-isa ang aking ginawa. Iniisip ko kung anong rason kung bakit hindi sa akin sinabi ni Jhay ang tungkol sa relasyon nila ni Camille. Iniisip ko kung bakit, anong nagawa ko? Bakit siya unfair? Natatakot siyang masaktan ako? Putang-ina! Nagawa na niya!Ilang araw din akong hindi nakapasok sa eskwelahan at nakakulong lang sa aking kwarto. Bigla na namang tumunog ang doorbell ng aking apartment. Natatakot ako, hindi pa ako handang harapin ang surpresang mayroon sa kabilang mukha ng pinto, hindi pa ako handang masaktan muli. Wala akong ibang inaasahang pupunta sa apartment, imposibleng mga teachers at kaklase ko, school hours pa. Imposible rin namang si Camille, nakapunta na yun dito, nalaman na niya ang kailangan niyang malaman at marinig ang kailangang marinig mula sa akin, siguro naman hindi na iyon pupunta dito pagkatapos ko siyang bastusin. Sino kaya iyon? Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang mukha ni Jhay na nakangiti sa akin. Umiral ang kamartiran ko, ngumiti na rin na para bang kakagising lang mula sa isang masamang panaginip.“Hi Miko! O pare, kamusta ka na?” ang kanyang malugod na bati sa akin“Eto, maraming nangyari sa buhay.” ang aking sabi sa kanya habang nakatungo“O bakit mukha kang malungkot? May problema ba?” ang kanyang tanong sa akin, siguro napansin niya ang pagiging matamlay ko.“O bakit ba mukha kang malungkot, namamaga pa yang mata mo, di ka nakatulog no? Papers ba o problema? Sige na sabihin mo na anong meron?” ang kanyang sabi sa akin, nakangiti habang hawak-hawak ang kanyang kamay ang aking palad.“W-w-wala.” Yun lang ang aking nasabi“B-b-b-bakit k-ka ba nauutal ha? Miko, nararamdaman kong may problema ka, feeling ko kasi connected tayo sa isa’t-isa magkarugtong na ang ating mga bituka parang isang mahabang isaw, kaya sabihin mo na alam kong may problema ka.” ang kanyang sabi sa akin.“Pumunta dito noong Lunes si Camille.”“So alam mo na?” ang kanyang tanong sa akin“Ikaw...”“Ha?”“Ikaw.”“Ano? Sabihin mo nga ng maayos ang gusto mong sabihin.”“Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ginawa mo akong tanga! Putang-inang buhay ‘to o! Akala ko ba.. Sana sinabi mo na noong una tayong magkakilala para di na ako umasa. At ano yang sinasabi mong connected tayo sa isa’t-isang parang mahabang isaw? Mukha mo! Unggoy! Gago! E di kung ganoon e di sana alam mo na mahal kita hindi lang bilang magkaibigan ngunit…”“Ngunit ano? Bilang mag-syota! Ano ako bakla?! Ulol! Miko wala akong balak maging ganoon tulad nang iniisip mo. Magkaibigan lang tayo at hanggang doon na lang! Ano naman yung kailangan kong ipagtapat sa iyo? Na nakikipagbalikan ako sa ex ko?”“Oo!” “E ano naman sa iyo yun ha? Baket mag-syota ba tayo, hindi naman diba? So, anong pinuputok ng buchi mo?”“Pero aminin mo mahal mo ko. Aminin mo!”“Puta naman…Ano kaba? Kaibigan lang ang tingin ko sa iyo. Tapos!”“E baket mo ko nilalapitan? tinatawagan? Palagi mo pa nga akong niyayayang lumabas ng tayong dalawa lang. Ikaw ang lumalapit sa akin, ikaw ang naghahabol sa akin. Pagkatapos ng nangyari sa atin nong gumagawa tayo ng visual aids sasabihin mo hindi mo ko mahal!” nagsimula nang tumulo ang unang patak ng luha.“Lasing ako noon at wala akong lakas na tumanggi sayo. Ayoko kasing mapahiya ka sa akin. Ayoko ireject kita. Kaya ayun kahit ayoko, pumayag na lang ako.”“Putang-ina mo! So ako pa ang may kasalanan? Bwaka ng inang buhay ‘to!”“Siguro panahon na upang malaman mo…”“Ano yun?! Ano yun!”Lagi kitang nakikita na naglalakad sa mga corridors at sa Betaway tuwing hapon at noong nakilala kita sa isawan, naisip ko na OK ka at maaari kong irecruit sa frat. Mabait ka kasi at sa tingin ko ay karapat-dapat kang mapabilang sa amin.” ang kanyang sabi sa akin nang mahinahon ang boses at unti-unting papalapit sa akin.“Ano?!” ako’y nabigla sa kanyang mga nasabi, naguluhan ako at yun lang ang aking naisagot.“Dahil sa mga una kong nakitang qualities mo, pinilit ko pang kaibiganin ka upang malaman ko ng mas mabuti ang ugali mo. Pero…” mahinahon pa rin ang kanyang boses at nasa harapan ko na siya“E tarantado ka pala e!” sa sobrang galit ko ay nasuntok ko siya sa mukha“No, Miko let me explain. Hindi ko naman alam na ganoon ka. Hindi ko alam na iba pala ang approach mo sa mga ipinapakita ko sa iyo. I’m just being friendly. Friendship lang ang kaya ko i-offer. Wala akong intensyon na saktan ang feelings mo. I’m sorry…” yun ang nasabi niya pagkatapos ko siyang masuntok, sa kabila n’yon lumapit pa rin siya sa akin“Sorry? Sorry lang ang masasabi mo sa kabila nang panloloko mo sa akin, sorry?! So all the time na magkasama tayo was only a front para masabing sobrang close tayo, ganon ba?! Ang lakas mo ring mang-gago a!”“No! That’s not true! Habang tumatagal naging tunay na kaibigan na rin kita at nakalimutan ko na yung parerecruit ko sa iyo sa frat. Promise, maniwala ka totoo ang mga sinasabi ko. Tinuruan mo akong magbago at ayusin ang aking buhay. You made me a better person at dahil don ang laki ng utang na loob ko sa iyo.“Sinungaling ka! Sinungaling!”“Tang-ina! Makinig ka muna sa akin, OK? Mahal kita pero kaibigan lang talaga, may girlfriend ako at marami na kaming pinagdaanan. I hope you understand. I didn’t mean to hurt you. Simula nong nakilala kita ng mabuti nawala na yung mga intensyon ko sa iyo. Naisip kong napakaganda ng ugali mo at mapalad ako at nakatagpo ako ng kaibigang gaya mo. I treasure you so much that I don’t want to share my grace to others except to myself.” ako’y kanyang niyakap ngunit agad ko siyang tinulak papalayo.“Tama na! Pagod na pagod na ako! Pagod na ako sa mga narinig ko ngayong gabing ito. Pagod na ako sa mga pinagsasabi mo. Pagod na ako sa ating pagkakaibigan. Pagod na ako…itigil na natin.”“Miko.” “Jhay ayoko na e. Nahihirapan na ako, ang sakit sobra. Hindi ko na kakayanin ang mga nangyari ngayong gabi. Ihinto na natin ‘to. Idaanan nalang natin sa tulog ‘to, baka mawala paggising natin bukas. At sana pagkagising natin bukas wala na tayong matandaan, kunwari di tayo magkakilala. Mas maganda yun diba? Wag ka mag-alala di ko ipagkakalat yung nangyari sa atin. Umalis ka na.”“Pero Miko…” “Umalis ka na, parang awa mo na, please just go.” Agad ding umalis si Jhay at hindi na nagpakita muliMula n’yon ay hindi na nagpakita si Jhay sa akin. Ngunit palagi pa rin siyang tumatawag at nagtetext sa akin, hindi ko lang iniintindi. Hindi ako galit sa kanya, mahal ko pa rin siya at mahal niya pa rin ako bilang isang matalik na kaibigan. Naiintindihan ko siya. Ayoko lang magkita pa kami, dahil sa bawat araw na kaming magkasama mas lalo lang akong napapamahal sa kanya kahit alam kong hindi pwede. Pakiramdam ko isa akong baka na nasa ulap, lumipipad saan mang naisin kapag magkasama kami. Natatakot ako, hindi nakakalipad ang baka, sa oras na mawala ang mahika babagsak rin ako sa lupa. Masakit, baka ikamatay ko pa. Lumipas ang isang buwan at nahinto na rin ang pagtawag at pagtetext niya sa akin. Unti-unti na rin akong nakakabangon mula sa sakit na dumapo sa akin. Hanggang isang sulat ang natanggap ko na lubha kong ipinagtaka. May nagpapapunta sa akin sa sementeryo bukas. Hanapin ko raw ang babaeng naka itim sa may gate ng sementeryo. Sinong namatay? Wala akong kaalam-alam. Pumunta ako sa sementeryo kinabukasan, nakita ko ang babaeng naka-itim. Nilapitan ko at tinanong kung sinong namatay, ngunit hindi siya nagsalita. Hanggang dinala ako sa isang puntod na may nakatirik na isang kandila. Nagulat ako…si Jhay. Ang pinakamamahal kong Jhay ay pumanaw na. hindi ako nakapagsalita at umiyak na lang. Nong ako’y nagkaroon na ng lakas na makapagsalita at magtanong , sinubukan kong tanungin ang babaeng naka-itim kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Jhay. Ngunit bigla nalang naglaho parang bula ang babae. Hinanap ko ang babaeng naka-itim, ako’y napatayo at naglakad ng ilang hakbang upang tanawin kung saan nagpunta ang babae, hindi ko siya nakita. Ako’y napalingon sa puntod ni Jhay at nakita ko ang isang sulat. Ako’y nagtaka dahil wala ito kanina at ako lang naman maliban sa babaeng naka-itim na naglaho ang nandoon, ito’y aking binasa. Sulat ito mula kay Jhay.
Miko,
Uy musta ka na ‘tol? Kamusta na buhay mo? Miko pasensya na ha, lubos ko ng pinagsisisihan ang lahat ng nagawa ko sa iyo. Hindi ko sinasadyang ika’y saktan. Minahal kita bilang isang tunay na kaibigan at para na kitang kapatid. At alam mo yun at boung buhay akong nagpapasalamat sa Diyos at nakatagpo ako ng isang gaya mo. Sana mapatawad mo ako. Sana wag ka nang magalit sa akin, im sorry. Ingat ka na lang palagi ha, sana maging maligaya ka, dahil ano mang mangyari nasa likod mo lang ako, binabantayan ka.
Jhay
Pumunta ako sa bahay nila at nakita ko ang kanyang nanay. Ako’y kanyang malugod na pinatuloy at binigyan ng panahong makipag-usap. Mabait ang kanyang approach sa akin. Napakabuti ko raw na kaibigan sa kanyang anak. Maraming magagandang kwento tungkol sa akin ang sinasabi ni Jhay sa kanyang ina. Minsan raw nabanggit sa kanya ni Jhay na gusto na daw niyang mag-quit sa fraternity. Hindi naman kasi tunay na brotherhood ang ipinapakita nito at total nandiyan naman daw ako na handang tumulong. Tinanong ko rin kung pano na si Camille, sinabing hindi na niya alam kung asan na siya. Hindi parin sila nagkaigihan at hindi na rin nagkabalikan. Siya rin ay aking tinanong tungkol sa sanhi ng kanyang pagkamatay. Hindi siya nakapagsalita. Nagmaka-awa ako upang sabihin ng kanyang ina ang rason.“Ano pong sanhi ng kanyang pagkamatay?”“…” “ Sige na po, utang na loob bakit ayaw n’yong sabihin?”“Lunes n’yon, umuwing lasing na lasing ang anak ko. Tatawa, iiyak tapos tatawa ulit, ganoon siya nong gabing iyon. Bukang bibig niya ang pangalan mo, gusto ka raw niyang puntahan at makita ngunit pinigilan ko siya dahil sa kanyang kundisyon, sabi ko kinabukasan na lang dahil gabi na. Sorry puro sorry ang sinasabi niya. Tinanong ko kung bakit at kanino siya nagsosorry. Sa iyo daw, nawalan daw siya ng kaibigan. Mahal na mahal ka raw niya at himihingi siya ng tawad. Pina-inom ko siya ng kape upang mawala ang lasing niya pagkatapos ay aking pinatulog. Sinabi kong puntahan ka niya pagkagising niya kinabukasan, at patatawarin ka rin n’yon dahil diba magkaibigan nga kayo. Nakatulog na rin siya. Kinabukasan, maaga ang kanyang pasok kaya siya’y ginising ko. Katok ako ng katok ngunit hindi binubuksan ang pinto. Ako’y kinabahan na napagpasyahang pasukin siya. Nakahiga siya, ginising ko. Malamig na ang katawan ng anak kong walang pulso. Tiningnan ko kung siya’y naglaslas o may tama ng saksak, ngunit wala akong nakita mi isang patak ng dugo. Maayos siyang namatay, payapa ang kanyang hitsura at walang sugat ang katawan. Kung titingnan para lang siyang natutulog. Sabi ng mga doctor binangungot raw ang aking anak.”Ako’y umiiyak habang kinikwento ng ina ni Jhay ang nangyari sa kanyang panganay na anak at pinakamatalik kong kaibigan. Ipinakita ko sa kanyang ina ang sulat na aking natanggap kung saan man at nakita ko sa kanyang puntod. Nagulat at nagtaka ang ina ni Jhay, dahil patay na si Jhay noong isinulat ng kanyang anak ang sulat na aking natanggap, ngunit hindi niya inalaala iyonat napaiyak na lamang dahil nanghihinayang siya at nawalan siya ng isang napakabuting anak. Sa oras na iyon ako’y nakaramdam ng panghihinayang at pagsisisi. Nakokosensya ako, kung hindi ko siya minahal ng higit sa isang kaibigan at inaway, buhay pa sana siya at magkaibigan pa rin kaming matalik. Kung inintindi ko lamang siya, nagtatawanan pa rin kami, pumupunta sa Oz at isawan upang magkwentuhan at magtawanan hanggang kami ay kabagin. Higit sa lahat kung inintindi ko lang siya katabi ko pa rin siya at maligaya kaming dalawa. Alam ko binabantayan ako ni Jhay.


5:53 PM

Friday, September 17, 2004

Rainy day thrusday has been a sad day to me. Noong bata ako pag-umuulan masaya ako. Pano minsan walang pasok dahil baha, malamig at masusuot ko ang ang paborito kong jaket. Ngunit kanina, ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit... ang lungkot-lungkot ko. Kaninang madaling araw, mga alas-tres, lumindol. Habang kaharap ko ang aking computer at nagchachat, napansin kong may kakaiba. Napansin kong umaalog ang kape sa aking paboritong mug. Hindi ko lubos malaman kung malikot lang ako o ano kaya nag-indian seat ako sa kinauupuan ko. Lumilindol nga. Ang lakas, sabi nila ayun sa richer scale, intensity 6 daw. Natakot ako, paano ako lang ngayon ang mag-isa sa bahay, pangalawa nasa 2nd floor yung apartment ko (technically 3rd dapat). Pagkaraan ng 30 seconds tumigil na. Dumungaw ako sa bintana, tahimik ang lahat, parang walang nagbago, tulog pa rin sila. Ako lang yata ang nakaramdam nyon.
Sa aking paggising, alas-diyes ng umaga, nag-online kaagad ako. Muli lumindol na naman, online si Om. Di ko alam ang gagawin ko. Wala naman akong karapatang magalit dahil nalaman kong may girlfriend na pala siya. Ako lang naman ang may gusto sa kanya. Tanggap ko naman na wala akong pag-asa. Maya-maya umulan kasabay ang malakas na hangin. Nag-private mack siya sa akin at sinabing "Musta". Agad naisip ko ang mga bagay na ginagawa ko lang problema sa aking sarili. Pagkaraan, tumila na ang ulan at bahagyang sumikat ang araw. Nagreply ako at sinabing "Ok naman, ikaw kamusta na?" .


6:48 PM

Thursday, September 16, 2004

Hay naku kanina kachat ko si Om sa Ym. Everything was doin fine. Kung anu anong pinag-uusapan namin in front of the desktop. About writing, making a web page etc. Until suddenly tinanong niya ako kung gusto ko makita gf niya. Sabi ko "talaga meron ka?", tapos binigay niya yung site. tapos ayun, nakita ko. Kat is her name, more than a year na daw sila ni Om. She's in Ilo-ilo right now. Sabi ni Om, mahal na mahal niya yung si kat. kahit long distance yung relationship nila marami naman venue para mag-usap sila tulad ng chat. O well ganoon talaga, i guess its time for me to realize na di kami pwede, na hanggang crush nalang ang mapapala ko at wag na akong umasa. Ewan ko ba ang nakita ko doon, bihira lang akong maattract sa younger sa akin, pero ewan ko pa iba talaga nararamdaman ko. Siguro dahil umamin na ako sa kanyang crush ko siya naisip niya na sabihin na kaagad para di me masaktan if ever mainlove na ako sa kanya. Sana mawala na yung pagkagusto ko sa kanya pag naging member na siya ng UGAT. Right now, eto ako ngayon, malungkot pero ganoon talaga e. Before nong bata ako may motto akong "i always get what i want". Ngayon ngayon na lang nag-sink-in sa akin na it doesnt work that way. Oo ang tanga ko naman at ngayon ko lang narealize pero ganoon talaga e. Pero kahit ganoon, pinipilit ko pa rin maging maligaya, di lang siya ang buhay ko noh. Atleast we are friends at kontento na ako dun. ganoon talaga e



6:23 PM
+ My Past +

+ September 2004
+ October 2004
+ November 2004
+ December 2004
+ January 2005
+ March 2005
+ April 2005
+ May 2005
+ June 2005
+ July 2005
+ August 2005
+ September 2005
+ October 2005
+ December 2005
+ January 2006
+ February 2006
+ March 2006
+ April 2006
+ May 2006
+ June 2006
+ July 2006
+ August 2006
+ September 2006
+ October 2006
+ November 2006
+ December 2006
+ January 2007
+ February 2007
+ March 2007
+ August 2007
+ September 2007
+ October 2007
+ November 2007
+ December 2007
+ January 2008
+ February 2008
+ March 2008
+ May 2008
+ June 2008
+ August 2008
+ October 2008
+ November 2008
+ December 2008
+ January 2009
+ February 2009
+ March 2009

milkylicious

....
liam2

tagboard

Links

blogger
blogskins
Om
C-an
Paolo Manalo
KASAMAsaUP
UGAT
Alina
David
Danix
Jel
Jel 2
Bridge
Pima
LA
Piya
Vlad
Cyruse
Mj-1
Mj-2
Adam
Mykel
Chu-chu
Daryl
Myls
Rose
Kristine
Anntot
Kat
Katmac
Schedar
Irene
Marla
Pauline
Dave-1
Dave-2
Rafi
AD
Lovelle
ivy
eRYzzah
Michelle
Tanya
VJ
NKE
Josa
Prech

Designed by: Milky

Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.com