Wednesday, November 10, 2004
Pagkatapos ng mahigit dalawang linggong sembreak pasukan na naman. wrap-up lang ng mga ginawa ko nung sembreak.
- yung shooting ng Macho Bedspacer script ni Chu tampok ang Ugat All Star Gays .kakapagod to! halos isang buong araw akong walang tulog dahil nilinis ko pa itong bahay dahil Production Designer ako. pero ok lang yan tingin ko naman magiging maganda yung film
- nagpunta ako ng Baguio noong Oct 22- 25. wala akong nabiling Ukay Ukay dahil ayaw ng nanay ko ng second hand clothing badtrip talaga. ako nakatanga lang habang sinasamahan siyang mamili ng sandamakmak na kumot ilokos at gulay sa la trinidad. nagstay kami sa hotel tepeyak, sarap ng food. kaya lang mahal pa ang strawberries kase dec pa ang season nyon.
-bumisita sa resort sa Liliw. overnight lang naman. tsaka namili ng tsenelas
-oct 27 nagkita kami ni Yonina sa Ugat Tambayan tapos pumunta sa Eastwood para maglunch. kumain kami sa Fazoli's at halos magkasakit na sa bato sa kakainom ng coke light at iced tea bottomless kase. tapos nagcoffee kami sa Coffeebean and Tea Leaf at may nakitang gwapo. nagwindow shopping sa A Different Bookstore sa Eastwood City Walk at tiningnan kung anong meron sa CyberMall. afterwards, naisipan naming pumunta sa Podium wala lang coffee ulit tapos naglakad kami papuntang Gale sa paghahanap ng nagtitinda ng tinge-tingeng yosi.
-oct 31 pumunta kaming Manila Memorial Park sa ParaƱaque para bisitain ang tatay ko. malapit sa amin yung kina Rico Yan ang daming tao. dun kami hanggang nov1
sa mga araw na walang lakad. asa bahay lang ako. nagpapaputi gamit ang Silka Green Papa. pero tangina pagdating ng enrollment puke wala ring epekto babad rin ako sa araw. hehehe
12:13 AM