Sunday, December 26, 2004
Christmas 2004 was not at all special for me as compared to the previous ones. Ngayong taon, di kami nakapagkabit ng mga christmas lights sa bintana. Wala ring parol. Ang tanging palamuti lang ay an gaming 4 feet na Christmas tree na may temang Blue sa taong ito. Sa pagdating ngkapaskuhan, di ko na feel ang excitement na dulot nito. Di man lang ako nakapunta ng Paskong Pasiklab, hindi nakapagsimbang gabi, nakakain ng puto bumbong at bibingka. At eto ang matindi, wala ako natanggap na regalo maliban lamang sa isang litrong gel sa buhok na bigay sa akin ng ninang ko na pakiwari ko ay nanggaling pa sa Watsons. Nasa Mandaluyong kami noong disperas ng pasko. kararating lang kase ng tita ko galing Hawaii at gusto niya sama sama kaming buong angkan na salubungin ang pasko. Kakaiba, ang pasko ngayon, for the first time, walang hamon, walang spaghetti, walang BBQ. Mga pagkaing Pilipino ngayong taon. Nandyan ang Diningging (Ilokanong Pinakbet), Laing, Papaitan, Igado, Pansit palabok, binagoongan, Litson at marami pang pagkaing hindi ko kinakain. Ito rin ang pasko na buhawa ng Asti Martini (7% pala ang alchohol content) ang hapag. Ok na sana kaya lang, hindi pwedeng masyosi. For the first time rin, im already in bed by the time the clock strikes 12 dahil sa sobrang kalasingan. At pagkagising, di naming ginawa ang tradisyunal na pagbubukas ng regalo sa ilalim ng Christmas tree dahil wala ngang regaling natanggap. Pero kung sabagay ok na rin dahil kahit papaano may cash at pwede na ring regalo ang pagbati sa text. Nakatunganga lang ako buong araw. Sa pagdating naman ng hapon pumunta kami ni Mama sa Megamall, ang daming tao pero maraming stalls na sarado kasama na ang department store. Pero ok lang maami pa naman akong napamili. Hay naku, ano naman kaya ang mangyayari sa Bagong taon? Magkakaroon na kaya ako ng boylet? hmmm
Thursday, December 23, 2004
My Name Is LucaWednesday, December 22, 2004
Eto na naman ako, its all coming back to me again. Kanina around 3pm tinext ako ni Gudang askin if i was stil here in Manila. I replied yes and asked why,sabi niya wala lang asa UP daw siya sa may Main Lib. Punta daw sana siya dito sa house makikiprint ng thesis outline niya. Kung dati'y pwedeng pwede anytime of the day, ngayon hindi na dahil nandito na ang nanay ko. Gusto ko man sana siyang puntahan sa mainlib para makipagkwentuhan ko magkape, hindi rin pwede dahil ayaw akong payagan ng nanay ko na lumabas ng bahay. Ano to highschool life? Ngayon talagang i miss my old life na ako lang dito sa bahay na wala kahit ano mang sinusunod na rules. Specially si Gudang pa naman yun. Ano ba yan kung kelan ko na siyang unti-unting nakakalimutan tsaka na naman siya magpaparamdam. For the first time in 4 months nagring na naman ang celphone niya at hindi na "the subscriber cannot be reached". talaga naman pag minamalasTuesday, December 21, 2004
Last night i got a chance to meet Brian Dominic Romualdez. I dont know if he is related to Imelda but one things for sure he is from Leyte. It was about 10 in the evening when he texted me asking if we could meet up somewhere near UP. I said yes and me ended up meeting each other at Ministop, maginhawa corner matiyaga st. teachers village. Well ok naman siya. Average looking. He also looks like one of our applicants in Up Ugat last sem. Ok naman siya kausap funny and wholesome (kunwari lang). He is also from UP takin up tourism at marami kaming napagusapan dahil ito ang dream course ko. I hope maging magkaibigan kami kahit sa chat lang kami nagkakilala.Sunday, December 19, 2004
Artist: DishwallaSaturday, December 18, 2004
Today i feel so sad. Walang napalunan ang Cal sa kahit anong pwesto sa kahit anong kategorya noong lantern parade. Nakapanghihinayang dahil walang nakakaalam kung gaano kami naghirap para sa lantern na yun knowing the fact na halos 3 araw lang ginawa yun. Wala rin akong nakitang masyadong taga Ugat except for Scedar, Kristine, Badong, April and Elaine na mas nakakalungkot, imagine last day na yun of classes nawawala pa ang mga tao. Pero kahit papaano naging ok lang sa akin ang lahat, marami rin akong bagong nakilala sa Cal at sa UP Ass na siyang tumulong sa paggawa. kaya pagkatapos ng lantern parade diretso agad ako sa Sarah's para sa isang tagay bago magbakasyon. heheheWednesday, December 15, 2004
Grabe kauuwi ko lang galing sa pag-aayos ng lantern ng CAL for lantern parade. Fairy's Wheel ang pangalan yata ng lantern. Natoka ako sa paggawa ng arko. Ugat at Ass ang magkasama pero kanina buong araw, kami lamang ni Korrine ang gumagawa ng arko. Buti nalang at maayos kami makisama sa isa't isa at maraming nagawa. Wala lang ginabi na ako dahil gusto ko na agad matapos ang trabaho ko. Ayoko na naman mahaggard tom at tsaka hindi ako mapakali kapag nakikita kong hindi pa tapos ang pinaghihirapan ko, yung tipo bang ayoko ng ipahawak yun sa iba. O well sana naman manalo this year ang CAL. Iba rin kase ang feeling kapag part ka e. Yun lang muna at antok na antok nako.Thursday, December 09, 2004
isang kuha mula sa mount banahaw nung nagroad trip kami ng barkada noong sem break. hay na miss ko tuloy ang buhay highschool na lagi kaming nagoout of town.Suntok Sa Buwan
Wednesday, December 08, 2004
hay naku grabe im back after 10 millions years na di ako nakapagupdate ng blog ko. bagong skin bagong life. ewan ko ba kung bakit mas madalas pa akong magpalit ng skin kesa magsulat ng entries. wala lang, last night i was in balay chancellor for the annual writers night. badtrip nga lang kase bukod sa may entrance fee na 25 pesos, may bayad na rin ang beer na 25 pesos rin. sabi nila eto daw ang pinakamagandang writers night kase maraming young writers at estudyanteng dumalo pero for me parang ganun pa rin naman ang writers night. marami ngang tao, may kanya kanyang grupo. hehehe yun lang muna. bukas naman sulat uli ako i promise.Links
blogger
blogskins
Om
C-an
Paolo Manalo
KASAMAsaUP
UGAT
Alina
David
Danix
Jel
Jel 2
Bridge
Pima
LA
Piya
Vlad
Cyruse
Mj-1
Mj-2
Adam
Mykel
Chu-chu
Daryl
Myls
Rose
Kristine
Anntot
Kat
Katmac
Schedar
Irene
Marla
Pauline
Dave-1
Dave-2
Rafi
AD
Lovelle
ivy
eRYzzah
Michelle
Tanya
VJ
NKE
Josa
Prech
Designed by: Milky