Wednesday, December 07, 2005
Habang nakikinig ng panghapong programa sa drama sa radio si Choleng para sa kanyang siesta, bigla siyang napatayo nang sumingit ang isang newsflash upang ibalita ang pagkamatay ni Soledad Montano, isa sa mga pinakasikat na teen star noong dekada ’80. Hindi sinabi ng tagapagbalita ang dahilan ng kanyang pagkamatay at tanging lugar lang kung saan nakaburol para sa mga nagmamalasakit ang nabanggit. Kaya’t hindi pa man natatapos ang balita, agad siyang kumaripas ng takbo sa kanyang kwarto at dali-daling kinuha ang isang kahon sa ilalim ng kanyang kama. Ito ay naglalaman ng mga lumang litrato ni Sol, ni Sol at nang kanyang kalovetaem na si Badong, mga movie posters, tiket ng sine, tiket ng bus na papuntang sinehan at mga lumang betamax tapes ng mga pelikula ni Sol. Maluhaluha si Choleng at kitang kita ang panghihinayang sa kanyang mukha habang hinahalungkat ang mga laman ng kahon. Sino ba naman ang hindi malulungkot, lalung lalo na kung ikaw ang #1 fan nang isang sikat na artistang pumanaw.
Sa bawat litratong kanyang pagmamasdan, tila nagfaflashback ang oras sa panahon ng kasikatan ng yumaong artista. Lalung lalo na ang isang larawan na kung saan magkasama silang dalawa at may autograph sa likod.
Pagkalipas ng ilang saglit, nagpasya si Choleng na dumalaw sa burol ng kanyang paboritong artista. Dali-daling ibinalik niya ang mga memorabilia sa kahon maliban lamang sa litratong may autograph at inilagay sa kanyang bag. Siya’y naligo, nagbihis at nagpaalam sa kanyang mga anak na aalis at gagabihin ng uwi sabay bilin na maghanda na lamang ng hapunan.
Nang natunton na ang puneraryang pinagdarausan ng burol, agad siyang sumaglit sa isang babaeng nagbebenta ng bulaklak sa entrance. Bumili siya ng isang tali ng dilaw na rosas pagka’t alam niyang ito ang paboritong bulaklak ni Sol at nagtanong kung saang kwarto matatagpuan ang mga labi. Agad namang sinabi ito ng babae.
Sa pagpasok ni Choleng sa kwarto, siya’y nagulat, hindi sa pagpapatotoo ng balitang kanyang narinig, kundi dahil walang taong nakikipaglamay maliban lamang sa isang lalaking nakaupo sa harap ng kabaong.
Nilapitan niya ang lalaki at umupo sa tabi nito sabay banggit ng “condeloence po sa pagkamaty ng inyong asawa”.
“hindi ko s’ya asawa” ang sambit ng lalaking may malamig na boses. Sa kanyang paglingon nakita niya ang isang pamiliar na mukha, si Badong Jimenez. Nastarstruck si Choleng at hindi na nakapagsalita. Imbis ibinaling nalang niya ang kanyang mga mata sa kabaong hanggang magtaka sa nakitang isang platitong Adobo na nakapatong sa salamin ng ataol ng artista.
Hindi niya napigilan ang sarili at tinanong si Badong kung bakit may Adobo na nakapatong sa kabaong, kung ano ang sanhi ng pagmatay at kung bakit walang taong nakikiramay sa sikat na artista. Nilason daw siya. Nilason ng dating naging boyfriend niya. Hindi na daw nakakapagtaka kung bakit ginawa sa kanya iyon. Matagal na rin siyang nakalimutan ng publiko kaya walang nakikiramay sa kanya, wala na ring nagmamahal sa kanya at tanging si Badong na lamang. Isang tanung lang ang naiwan sa isip ni Choleng, “Bakit?”.
Simula na nang Flashback. At simula na rin ng pagsariwa sa mga alaala.
Noong kalagitnaan ng dekada ’80, sikat na sikat ang tamabalang Sol at Badong. Kahit maraming gustong sumira sa kanilang loveteam ito ay kanila pa ring nalalampasan. Ito ang ikwinento ni Badong kay Choleng. Naikwento ni Badong na totoong naging magkasintahan ang dalawa, ngunit kaagad rin silang nagbreak dahil sa isang ritwal na ginagawa palagi ni Sol sa isang lalaki. Naikwento rin niyang naging karelasyon ni Sol ang lahat nang actor, pulitiko at propesyunal na nalink sa kanya. Ngunit sa dinami-dami nang mga lalaking naging karelasyon niya ay wala siyang naging asawa mi wala ring tumagal nang 1 taon. Ito ay dahil sa ritwal na ginagawa ni Sol.
Hindi nagluluto o bihira lang magluto si Sol. Ngunit kung magluto man siya, tiyak may mahalagang okasyon at tiyak sobrang sarap nang pagkaing kanyang lulutuin. Nakilala si Sol sa kanyang ritwal at special Adobo. Ugali niyang papuntahin ang kanyang boyfriend sa panahong iyon sa kanyang bahay upang maghapunan. Adobo ang ihahain niyang putahe. Sa kalagitnaan ng pag-uusap bigla nalang siyang makikipag-break sa lalaki at sasabihing may iba na siyang boyfriend. Mabilis ang mga pangyayari at wala nang pali-paliwanag, hudyat na nang pagtatapos ng relasyon kapag pinagligpitan na niya ng pinggan ang lalaki. Ito ang ritwal na kung tawagin ni Badong ay “Last Supper”.
Ginawa ito ni Sol sa lahat nang naging boyfriend niya kabilang na si Badong, ito ay dahil sa mabilis magsawa si Sol at masyadong nagpapadala sa kanyang propesyon bilang aktres. Hanggang sa makahanap siya ng katapat. Sa pinakahuli niyang boyfriend na isang cook, niyaya nito para sa isang date si Sol, adobo ang nagsilbing putahe na may kasamang lason. Namatay si Sol at iyon na ang nagsilbing “Last Supper” ng aktres.
Sa pag-uwi ni Choleng galing punerarya, bumabagabag pa rin sa kanyang isipan misteryong bumabalot sa katauhan ng kanyang paboritong artista. Sa pagdating sa bahay, siya’y umupo sa dinning table at nagulat sa adobong nakahain. Siya’y biglang kinabahan.
10:13 AM
hay naku ito na yata ang pinakabusy kong season. just after my birthday last thursday dumagsa ang sandamakmak na work. aside from my thesis, nandyan ang mga dream concepts sa abs-cbn.andyan rin ang forever council work at pagaasikaso ng Lantern Parade, CAL booth at CAL week. sobrang hectic talaga. hindi ko alam kung paano hahatiin ang katawan ko, wala ng tulugan to as in. idagdag mo pa ang pagfofollow-up ng voucher para sa KALASAG publication.hay. yun nalang ang masasabi ko. tapos may finacial problems pako ngayon, ewan ko na.magcocall center nalang ako. hehehe
9:55 AM
this picture was taken at the UP School of Economics before the plenary of GASC
9:48 AM