Friday, September 17, 2004
Rainy day thrusday has been a sad day to me. Noong bata ako pag-umuulan masaya ako. Pano minsan walang pasok dahil baha, malamig at masusuot ko ang ang paborito kong jaket. Ngunit kanina, ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit... ang lungkot-lungkot ko. Kaninang madaling araw, mga alas-tres, lumindol. Habang kaharap ko ang aking computer at nagchachat, napansin kong may kakaiba. Napansin kong umaalog ang kape sa aking paboritong mug. Hindi ko lubos malaman kung malikot lang ako o ano kaya nag-indian seat ako sa kinauupuan ko. Lumilindol nga. Ang lakas, sabi nila ayun sa richer scale, intensity 6 daw. Natakot ako, paano ako lang ngayon ang mag-isa sa bahay, pangalawa nasa 2nd floor yung apartment ko (technically 3rd dapat). Pagkaraan ng 30 seconds tumigil na. Dumungaw ako sa bintana, tahimik ang lahat, parang walang nagbago, tulog pa rin sila. Ako lang yata ang nakaramdam nyon.
Sa aking paggising, alas-diyes ng umaga, nag-online kaagad ako. Muli lumindol na naman, online si Om. Di ko alam ang gagawin ko. Wala naman akong karapatang magalit dahil nalaman kong may girlfriend na pala siya. Ako lang naman ang may gusto sa kanya. Tanggap ko naman na wala akong pag-asa. Maya-maya umulan kasabay ang malakas na hangin. Nag-private mack siya sa akin at sinabing "Musta". Agad naisip ko ang mga bagay na ginagawa ko lang problema sa aking sarili. Pagkaraan, tumila na ang ulan at bahagyang sumikat ang araw. Nagreply ako at sinabing "Ok naman, ikaw kamusta na?" .
6:48 PM