Wednesday, September 29, 2004
Hay naku finals week na. Simula na naman ng puyatan, nag-umpisa na ang kalbaryo sa harap ng kumputer. Isang kaha ng sigarilyo at tatlong baso ng kape lang ang karamay sa gabing tila ba kay tagal. Ayoko na hirap na hirap nako. Kung pwede lang sana ay ipikit ko ang aking mga mata at sa paggising ko'y maayos lang ang lahat. Kaso hindi pwede, nananatili akong dilat sa lalim ng buwan, nakasubsob ang mukha sa kumputer, nagpapanggap na may alam.
Palagi kong naiisip kapag asa UP ako ayoko munang umuwi. Ayoko munang isipin ang mga problema ko na pilit na nag-aabang sa aking pag-uwi. hindi sila mapakali parang mga rugby boys na nag-aabang para sa pagkain. Lahat sila nag-iintay sa aking kwarto.
minsan sa dami ng problema ko, acads, pamilya, pag-ibig atbp. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin. Hindi ko mapaliwanag ng maayos ang nararamdaman ko. Ang bigat bigat. Yung parang mapapabuntong hininga ka nalang. Yung parang gusto mo na lang umiyak dahil pakiramdam ko di mo na kakayanin ang mga nangyayari ngayon. HAY!
Pero kahit papaano, may magagandang bagay pa rin na nangyayari sa akin. Mga pangyayaring nakakapagpagaan ng loob ko. Tulad nung nagkita kami nung huwebes at biyernes dahil birthday niya. kontento nako dun. Kahit hindi na kami masyadong nagkikita dahil pareho kaming maraming pinagkakaabalahan maligaya ako at nagkita kami sa kanyang kaarawan. Wala pa akong regalong naibibigay sa kanya.Nag-iisip pa ako ng maganda para sa mahal ko. Ano kaya kung tanggapin ko sa sarili kong hanggang magkaibigan na lang kami? Magugustuhan kaya niya ang regalo kong iyon?

12:39 PM