Monday, January 03, 2005
Eto na ang aking unang blog entry para sa taong ito. Alin kaya sa mga new year resolutions ko ang matutupad.
1. magpapapayat na ako. (exercise everyday, pagkagising)
sawa na ako sa pagiging mataba!
2. kakain na ako ng healthy foods (di na iinom ng Coke, babawasan ang pork at beef)
its time to eat gulay!
3. babawasan ko na ang yosi (half pack per day nalang)
ayoko pang magka TB!
4. mag-aaral na akong maigi (magrereview bago pumasok at pagkauwi)
gusto ko namang maging CS ng legal bago grumaduate!
5. babawasan ko na ang aking pagchachat (every other day nalang)
gusto ko ng magkaroon ng matinong lalake!
6. babawasan ko na ang pag-inom ng beer (Once a week nalang pupunta sa Sarah's)
ang laki na ng tiyan ko!
7. uuwi na ako ng maaga sa bahay ( 9pm ang curfew ko sa sarili)
konti nalang palalayasin na ako ng nanay ko!
8. kaibigan muna bago lalake (dahil ang kaibigan nauutangan ang lalaki ikaw ang magpapautang)
wag na itext ang mga boys, sila ang magtext sa akin!
9. Magsusulat na ako (kahit isang literary text every other week)
wala pa akong naiisip na thesis!
10. Magdadasal na ako bago matulog (para naman dinggin ang aking mga panalangin)
kailangan ko ng tulong ni Lord!
1:00 AM
|