Monday, April 18, 2005
Unang araw ngayon ng pasok para sa summer classes. At 5:30 dilat na nag mga mata ko para magplantsa ng isusuot ko kase alam mo naman excited akong pumasok. Isa pa may welga ngayon ng mga PUV kaya mas mabuti ng maaga. Grabe di ko lubos akalain na si Ma'am Verano na naman ang teacher ko sa Span 11. kaya nga Span 10 lang ang kinuha ko dati dahil ayoko na sa kanya tapos siya na naman ngayong summer, o well mas mabuti nang may makuhang subject kaysa namang wala.
Pero eto ang malupit, habang nasa AS101 para ipasign ang UP dependent form ko, laking gulat nang nalaman ko na Inc pala ang 2 subject ko kay Vim Nadera. O well whats new, sadyang ang nakakaasar lang ay ayaw iapprove ni Kuya Pabs yung form ko kase wala daw 50% yung napasa ko noong 2nd sem. Sya nga pla 4 ako sa Math1, buti nalang hindi 5. At least may huling hirit pako. At alam mo bang ang average ko sa math1 ay 49.3% sayang dahil 49.5% ang binibigyan ng 3 ni ma'am Ocampo.
So nasan na ba ako, so yun nga Inc ako kay Vim. kaya ang ginawa ko nagbargain ako, since yung isa kong subject ay isa lang ang kulang kong paper, sinabi ko munang kunin nalang niya yung kulang ko sa isa ko pang subject tapos yung isa nalang ang hayaang incomplete para lang wala akong bayaran. Awa naman ng Diyos, kinagat at nakakuha ako ng 1 sa MP161.
Akap
by imago
Nagtatanong
bakit mahirap
sumabay sa agos
ng iyong mundo
Nagtataka
Simple lang naman sana
Ang buhay
Kung ika'y matino
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sa akin ang problema mo
kakayanin ko
Pikit mata
kong iaalay
ang buwan at araw
pati pa sapatos kong suot
Nagtatanong
simple lang naman sana
ang buhay
kung ika'y lumayo
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa pait
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka
7:14 PM