Sunday, January 08, 2006
hehehe sory guys ngayon lang ako nakapag-upload ng blog. Katatapos lang ng X-Mas break and to give you a brief idea kung saan ako naglalagi nung bakasyon heto, let me tell them to you.
i spent my Xmas in Tagaytay. sa Taal Vista Hotel kami nagstay. kasama sina mudra, ang aking mga kapatid at kamag-anak most especially ang tita kong balik bayan from Hawaii na sobrang yaman! Alta sa syudad ika nga. sa sobrang yaman, para lang siyang namamakyaw ng galunggong sa pagbili ng lupain sa Tagaytay. sa apat na araw naming magkakasama sa Tagaytay nakapagclose kagad siya ng deal at nakabili ng 8 lote sa Tagaytay Crosswinds at Splendido. Graber talaga. eto pa, nagkaroon kami ng moche buena sa Josephine's Resto kung saan ang bill namin ay umabot ng 15,000 sa 20 katao. tinanong ko yung pinsan ko tapos ang cheka ay 1 million daw ang cash na dinala nila. wow ang laking pera kahit tita ko yun di ako manghihinayang nakawan siya. hehehe. after Tagaytay, nagpahinga lang kami ng konti and headed for Quezon para magstay sa Villa Escudero ng New Year.sosyal na sosyal talaga ang Xmas Break ko. At ngayong tapos na ang break, bagong taon na at may bago na sana akong trabaho.
5:58 PM